Paglalagay ng curfew hours sa lahat ng lugar
Thursday, February 8, 2018
Naniniwala ako na ang paglalagay ng curfew hours sa bawat lugar ay makakatulong upang limitahan ang mga krimen na maaaring mangyari sa ating lipunan. Alam nating lahat na maaaring mga kabataan ang sangkop sa mga ilegal na gawain sa ating bansa tulad ng pagnanakaw at paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Kaya kinakailangan nating ipatupad ang paglalagay ng curfew hours upang iwasan ang mga bagay na tulad ng mga nasabi. Kapag napanatili natin ang mga menor de edad sa kani-kanilang bahay, masisiguro natin na mamumuhay ng kalmado ang kanilang mga magulang at mapapalaki nila ito sa tamang paraan.
Sa kabilang dako ng ating usapin, mayroon ding mga negatibong balita ang dala ng pagpapatupad ng curfew hours sa bawat lugar. Maaaring sumobra ang pagiging mahigpit ng mga magulang sa kanilang mga anak at hindi na magawa ng mga bata ang kanilang mga gawaing pansarili na may mabuting intensyon. Sa mga panahon ngayon, may sariling opinyon, paniniwala at ninanais kamtin ang mga batang ito. Alam natin na hindi sapat na paraan upang malimitahan ang mga krimen sa Pilipinas kung magpapatupad lamang ng ganitong uri ng batas. Inilalayo natin ang mga bata sa pansariling paglaki upang matuto sa kanilang mga desisyon.
Sa kabuuan, mas lamang parin ang mga mabubuting dahilan kung bakit dapat natin ituloy ang pagpapatupad ng curfew hours sa bawat lugar. Oras na para limitahan natin ang mga krimen sa ating bansa upang magkaroon ng pagbabago kahit paonti onti. Siguro nga hindi sapat ito upang magkaroon ng kontrol ang ating gobyerno sa mga bata ngunit sigurado ako na makakatulong ito sa maraming buhay dito sa ating bansa.
Subscribe to:
Posts (Atom)
